5 agrarian reform tappers, CAFGU utas sa ambush sa Basilan

PATAY ang limang sibilyan, at isang miyembro ng CAFGU habang walong iba pa ang sugatan nang tambangan ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngayong umaga sa pagitan ng Bgy. Upper Cabengbeng at Bgy. Sapah Bulak, Sumisip Basilan.

Nabatid na ang mga namatay ay pawang tappers ng Tumahubong Agrarian Reform Beneficiaries Incorporated Development Coop (TARBIDC), habang nasama naman sa insidente ang off duty na miyembro ng CAFGU.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sakay ng truck ang mga biktima para magtungo sa isang rubber plantation nang ambusin ng grupo ni Hassan Asnawi, ng MILF.

Kinilala ang mga namatay na biktima na sina Renato Aligay, Junrel Langugon, Delord Johnson, Buenaventura Lugamay at ang CAFGU na si Fernando Tantalo.

Sugatan naman sa insidente sina Alfredo Rojar, Danilo Tonghay, Adzar Madyakin, Abdul Mot, Gilbert Guevarra, Julibert Dingkong, Francisco Taklindo at Bonifacio Dagodog.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply