5 container van ng harina nabulok lang sa BOC

NABUBULOK na ang 5 container van ng harina nang buksan ang isang bodega ng Bureau of Customs (BOC) na nasabat pa noong nakaraang admistrasyon.

Binuksan ng Customs ang 159 na warehouse at kabilang sa mga nasabat na produkto na may expiration na 2008-2009 ay ang isang libong kahon ng Chinese ointment, kahon-kahong ukay-ukay at iba’t ibang klase ng gulong at constructin materials.

Ayon kay Customs Department Commissioner Horacio Suansing, bagamat hindi na maaaring kainin ang harina ay maaari pa itong pagkakitaan ng Customs dahil puwede pa itong gamitin bilang animal feeds.

Isusubasta naman ang iba’t ibang gulong ng sasakyan at maging ang construction materials.

Nito lamang Oktubre 6 ay libu-libong sako ng bigas ang nasabat sa Cagayan de Oro ng mga Customs police kung saan umabot ito sa halagang P40 bilyon.

Makikipag-ugnayan naman ang Customs sa National Food Authority para maisubasta ang sako-sakong bigas upang makadagdag sa pondo ng Customs.

Ayon pa sa BOC, P2 bilyon kada taon ang nababawi nila dahil sa pinaigting na operasyon laban sa smuggling.

Una rito, matatandaan na libu-libong de lata ng luncheon meat ang inamag at nasira lamang sa isang bodega ng BOC dahil na rin umano sa kapabayaan ng nakaraang administrayson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply