5 patay, 8 sugatan sa aksidente sa shipyard

LIMANG manggagawa ang binawian ng buhay habang walo pa ang sugatan nang bumagsak ang steel platform na ginagamit na tulay sa isang shipyard sa Subic, Zambales, kanina.

Ayon kay Chief Supt. Edgardo Ladao, director ng Police Regional Office 3, naganap ang aksidente sa forward drydock ng Keppel Subic Shipyard sa Barangay Cawag, alas-10:20 kanina.

Sa inisyal na pagsisiyasat, bumigay ang bakal na ginagamit na tulay patungo sa kinukumpuning MV Tombarra.

Dinala na sa Our Lady Of Lourdes International Hospital sa Olongapo City ang mga nasugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply