5 patay, 9 nawawala sa bagyong Ramon

LIMA katao na ang namamatay habang siyam ang naitalang nawawala ngayon dahil sa bagyong Ramon.

Kabilang sa mga nawawala ay ang ang pitong panibagong naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pawang mga mangingisda mula sa Misamis Oriental habang isa naman ay mula sa Iloilo.

Ayon sa NDRRMC, puspusan ang paghahanap ngayon ng kanilang mga tauhan sa mga nawawala habang ang kanilang disaster teams ay nakatutok sa nabanggit na mga lugar.

Nilinaw ni Ramos na nasa apat pa lamang ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi sa bagyo na pawang mga estudyante na nalunod sa Iloilo sanhi ng naganp bridge overflow.

Habang isang minero na kinialalang si Daryl Gales, 20-anyos, ang nasawi matapos na matabuan sa loob ng hukay kasunod ng landslides

“Yuong patay dahil may nag-landslide dun sa barangay Sta. Cruz ng Butuan City, ito ay small miner, natabunan ito ng buhay dun na siya namatay sa butas niya so, lima ang patay natin ngyaon,” ani Ramos

Ikinagalak naman ni Ramos ang kusang loob na paglikas ng maraming residente sa mga tinuturing na critical areas bago pa man magsagawa ng pre-emptive evacuation ang kanilang tanggapan kasama ng iba pang ahensiya ng gobyerno sa mga residente na nasa panganib at direktang apektado ng sama ng panahon.

Samantala, inihayag naman ni Office of Civil Defense (OCD) regional director Rey Gozon, na agad din nagsagawa ng pag-aayos sa mga daan sa Brgy. Ulisihan, Brgy, Panchovilla at Brgy. Cahupian ng Sogod, Southern Leyte na nagkaroon ng landslide sa kasagsagan ng bagyo.

Ayon pa kay Gozon, naayos na ang mga daan sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Nilinaw ng OCD na walang naitalang namatay, nasugatan o nawala sa naganap na landslides sa mga nabanggit na barangay.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply