50 pasahero stranded sa Cagayan

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na 50 pasahero ngayon ang stranded sa pantalan sa bayan ng Sta. Ana, Aparri Cagayan dahil sa malalking alon sa karagatan.

Ayon kay Senior Chief Petty Officer Ernesto Renon ng PCG-Aparri, upang makaiwas sa anumang kapahamakan sa karagatan ay minabuti nilang huwag na munang payagang bumiyahe ang nasabing mga pasahero.

Nabatid na stranded sa bayan ng Aparri ang may 20 pasahero habang sa Port Irene sa Sta. Ana naman ay 30 ang stranded.

Posible namang dadami pa ang bilang ng pasaherong maantala ang kanilang pagbiyahe lalo ngayong magsisipag-uwi ang mga ito para sa long weekend.

Kaugnay nito, nagtalaga naman ng passenger assistance booth ang PCG  sa mga daungan ng barko  sa kanilang nasasakupan na siyang tutulong sa mga pasahero na magbabaksayon sa kani-kanilang probinsya ngayong Undas.

Ayon pa kay Renon, hanggang Nobyembre 3 mananatiling naka-deploy ang mga tauhan ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply