500 containers nakaimbak sa BoC dahil sa “special stop order”

MAHIGIT sa 500 containers at iba pang break-bulk cargoes na may “special stop order” ang inisyu ng mga dating BOC commissioners ang nanatiling nakaimbak sa Asian Terminals Incorporated (ATI) at sa International Container Terminal Services Inc. (ICTSI).

Sa liham kay Commissioner Ruffy Biazon na may petsang Setyembre 26, 2011, isang linggo matapos na umupo bilang BOC Commissioner, inabisuhan ng ATI at ng ICTSI officials na may mahigit 500 unclaimed containers.

Ipinagtaka naman agad ni Biazon ang ibinunyag sa kanyang alingasngas at naalarma kung papaano ang naturang cargoes ay walang ikinasang proper turnover ng mga staff ng dating Commissioner na inilagay na “special stop.”

Para mapadali ang pag-release ng mga nakaimbak na containers, hiniling ni Biazon sa apektadong brokers at consignees na makipag-usap kay Atty. Adelina Molina, Chief of Staff ng Office of the Commissioner at ibigay ang kopya ng  corresponding entries (back-to-back) para sa nasabing containers.

Ayon sa liham ni ATI Government Relations and Customer Service Officer na si Jun Hermes M. Balita, ilan sa containers na iniipit ay naiproseso na para mai-release ng BOC pero dahil may Special Stop Order, ay hindi pa maaaring ilabas sa kanilang sistema.

Partikular na nabanggit ng ATI official ang 2 containers na naka-consign sa MBME Trading at 7 pang containers na naka-consign naman sa Bounty Fields Enterprises na kamakailan ay hiniling na mailabas ng BOC pero hindi maiproseso sapagkat may Special Stop Order.

Dagdag pa sa 9 containers, 13 pang overstaying containers na naaprubahan na para ikasa ang condemnation ay hindi mai-dispose sanhi pa rin ng Special Stop Order.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply