500 motorista huli sa ‘blue lane’ violations

HALOS 500 motorcycle rider ang hinuli sa pagsisimula ng ‘blue lane’ policy sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at sa Macapagal Avenue sa Pasay City kaninag umaga, ayon sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA assistant general manager Merf Carlos, karamihan sa mga mananakay ng motorsiklo ay dinampot ng traffic enforcers dahil sa iba’t ibang klase ng traffic violations tulad ng ‘improper gear’ habang lulan sa kanilang motorsiklo.

Ang mga lumabag ay sisingilin ng P500 fine ngunit aniya, ito ay depende kung anong paglabag sa batas trapiko ang kanilang kinasangkutan.

“Ang usual argumento nila ay hindi daw nila alam. One week na ito at marami na rin information drive ginawa ang MMDA tungkol dito. Ignorance of the law excuses no one,” pahayag ni Carlos.

Kahit aniya ang blue lane ay hindi para lamang sa mga motorcycles pero iginiit nito na ang public utility vehicles (PUVs) ay hindi pinapayagang gumamit nito.

“The blue lane is not exclusive but designated for motorcycles. Hindi pwede dumaan dito PUVs dapat nasa yellow lane sila. Out of yellow lane, violation na sila,” pahayag pa ni Carlos. He said many local government units have also expressed the need to provide blue lanes in their respective areas.

“Pero dapat magpasa muna sila ng ordinansa gaya ng ginawa ng Pasay at Quezon City local government,” sambit pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply