54 flights ng PAL kanselado ngayong araw

UMABOT sa 54 flights ng Philippine Airlines (PAL) ang kanselado ngayong araw.

Ito ay bunga pa rin ng kakulangan ng manpower ng flag carrier dahil sa implementasyon ng outsoursing ng airline.

Kabilang sa nakansela ay ang 14 na international flight at 40 domestic flight.

Ang mga kanseladong international flights ay ang patungong Hong Kong, Macau, New Delhi,  Busan, Bangkok,  Singapore, Guam at ang mga pabalik ng Maynila.

Batay sa ibinigay na ulat ng PAL information bureau sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang pagkansela ng biyahe ay hindi resulta ng bagyo o anumang uri ng sama ng panahon kundi dahil pa rin sa epekto ng transition sa kanilang mga tauhan matapos ang pagpapatupad ng outsourcing sa 2,600 ground crew workers. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply