6-anyos birthday girl namatay sa lunod

NAUWI sa pagluluksa ang masaya sanang selebrasyon ng kaarawan ng 6-anyos na babae nang malunod sa baybayin ng Brgy. Dapdap, Tangalan, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Christina Mijares, ng naturang lugar.

Base sa impormasyon, matapos ang birthday celebration sa bahay ng biktima ay nagkayayaan sila ng kanyang mga kaibigan sa tulay na tinatawag na tinagong dagat, isang tourist spot sa Aklan.

Ngunit sinasabing na-out balance kaya nahulog at tuluyang nalunod.

Huli na nang malaman na nahulog ang bata sa tulay dahil hindi kaagad nakahingi ng tulong ang kanyang mga kalaro.

Patay na rin nang makarating sa provincial hospital ang biktima dahil sa medyo natagalan pa bago narekober ang bangkay nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply