6 opisyal ng ARMM nagbitiw sa puwesto

ANIM na matataas na opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nagsumite ng kanilang mga resignation letter sa Malakanyang.

Nauna ng sinabi ng Malakanyang na dapat manatili muna ang mga opisyal ng ARMM pagkatapos ng Setyembre 30 para patuloy na pagsilbihan ang mga mamamayan doon.

Ang naturang direktiba ng Palasyo ay inilabas matapos maglabas ng Temporary Restraining Ordera ng Korte Suprema hinggil sa pagtatalaga ng Officer-in-Charge ng ARMM hangga’t hindi pa nahahalal ang bagong gobernador.

Ang mga nagsumite ng kanilang resignation ay sina Ali Macabalang, hepe ng ARMM bureau of public information; ARMM Executive Secretary Naguib Sinarimbo; Regional Board of Investments chief Ishak Mastura; Bureau of Cultural Heritage Executive Director Bai Ashrafia Alonto-Biruar; Science and Technology Secretary Frandzkhan Ilaji; at Office of Development Assistance Director David Ali.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply