6 domestic flights kinansela na

KANSELADO na ang anim domestic flights sa  Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bunsod ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan.

Kabilang sa mga kanseladong flights ay ang mga biyaheng:

2P 014 Manila – Tuguegarao
2P 015 Tuguegarao – Manila
5J 196 Manila – Cauayan (Isabela)
5J 197 Cauayan (Isabela)
5J 504 Manila – Tuguegarao
5J 505 Tuguegarao- Manila

Una nang naiulat na iiral pa rin ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ngayong maghapon na ayon sa Pagasa ay dahil sa epekto ng low pressure area (LPA) na namataan base sa satellite and surface data sa layong 110 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales (15.4°N, 118.9°E).

Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Luzon at Visayas.

Isa ring bagong LPA ang namataang papalapit sa Pilipinas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply