6 miyembro ng MILF pinasusuko na ng AFP

PORMAL nang hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isuko ang anim nilang miyembro na nahaharap sa mga kasong extortion, robbery, kidnapping at murder.

Ayon kay AFP Spokesperson Arnulfo Burgos, kabilang sa mga miyembro ng MILF na sangkot sa ilang kaso ay sina Waning Abdusalam, Putot Jakaria at Ogis Jakaria na nagtatago sa Zamboanga Sibugay at sina Furuji Indama, Long Malat at Laksao Asnawi na nagtatago naman sa Basilan.

Nilinaw ni Burgos na walang kinalaman ang kanilang kahilingan sa mga nangyaring engkwentro sa Basilan noong nakaraang linggo kundi dahil sa mga naipong kaso ng mga ito na may kaukulan nang warrant of arrest.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply