6 onion smugglers kinasuhan ng BoC

KINASUHAN na ng Bureau of Customs ang anim na ismagler ng sibuyas.

Ang mga sinampahan ay ang traders na sina Maria Guia Alfonso, may-ari ng Advanced Impex International Trading, Micheal Galon Jovan, may-ari ng Iana Enterprises at Raymundo Conge Rebozido, may-ari ng Royal  Halo Enterprises at ang kanilang  respective brokers na sina Vanessa S. Ocampo, Steve Salagade Semblante at Jason Ferrer sa Department of Justice (DOJ) kaninang umaga (Oktubre 20).

“We will not allow smugglers of agricultural products to place our local farmers in a very bad situation. We will extend the long arms of the law, wherever it will take us, if only to stop your illegal activities and to place you where you rightfully belong,” babala ni Biazon sa mga onion smugglers.

Ang tatlong traders at ang kanilang broker ay kinasuhan sa paglabag sa Sections 3601 at 3602 ng Tariffs at Customs Code of the Philippines (TCCP) for Technical smuggling at sa paglabag sa Section 2503 ng parehong code for Misdeclaration.

Kinasuhan din ang anim ng paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code dahil sa palsipikasyon.

Idineklara ni Alfonso ang kanyang dalawang 40 foot container loads na mansanas imbes sibuyas na ang assessed value ay tinatayang nasa P4 milyong piso.

Sa parte naman ni Jovan, idineklara nito ang kanyang 6 container na pastries imbes sibuyas na may halagang P18 milyon habang ang idineklara naman ni Rebozido na ang laman sa kanyang 4 container loads ay plastic at kitchen wares imbes sibuyas na nagkakahalaga ng P5.3 milyon.

Ang lahat ng mga nakumpiskang kargamento ay inisyuhan na ng Warrant of Seizure at Detention (WSD) orders at nasailalim ng custom’s custody.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply