6 patay, 8 sugatan sa pananambang ng MILF

UMAKYAT na sa anim ang patay habang walo ang nasugatan sa magkasunod na pananambang ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Zamboanga Peninsula kagabi (Oktubre 17).

Ayon kay Chief Supt. Elpidio de Asis, regional director ng Police Regional Office 9, tatlong sundalo ang namatay habang anim ang sugatan at isa ang nawawala nang tambangan ng mga rebelde ang tropa ng 102nd Brigade.

Kinilala ang mga nasawi sa unang ambush na sina Master Sgt. Saidale Dimasar; Technical Sgt. Jin-Nurain Ajiju at Corporal Reynaldo Salazar habang ang nawawala ay si Sgt. Antonio Gerangue.

Naganap ito dakong alas-7:21 ng gabi sa Barangay Gulayon sa bayan ng Alicia.

Makalipas ang ilang oras, tinambangan din ng mga rebelde ang pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Barangay Simbol sa bayan ng Kabasalan.

Nagresulta ito sa pagkamatay ng 3 pulis at pagkasugat ng dalawa pa kabilang ang isang sundalo.

Patay sina Insp. Jose Calibugar, SPO1 Lito Arcenal at PO2 Tayan habang sugatan sina PO1 Capitana at Private First Class Hermes Sagario.

Samantala, isang pagsabog din ang naganap sa isang bakanteng lote malapit sa PPA Wharf area sa bayan ng Malangas, alas-8:00 ng gabi.

Naganap ito sa lupang pag-aari ng isang Ginang Estila Alcuitas kung saan wala namang naiulat na nasugatan. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply