6 patay sa military plane crash sa Nepal

NAMATAY ang anim na pasahero matapos na bumagsak ang sinasakyang army plane na maghahatid sana ng maysakit na pasyente mula sa mabundok na rehiyon ng Nepal patungo sa capital na Katmandu.

Base sa report, unang napaulat na nawawala ang Britten-Norman Islander plane na lumipad mula sa bayan ng Nepalgunj, hanggang matagpuan ang wreckage sa magubat na bahagi ng bundok.

Walang iniulat na nabuhay sa malagim na insidente dahil nagkadurog-durog ang eroplano.

Nahihirapan namang marating ng mga rescuer ang binagsakan ng eroplano dahil sa masama ang panahon at matarik na lugar.

Inaalam na rin ng awtoridad ang sanhi ng pagbagsak na eroplano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply