8 sa 10 nawawalang sundalo hawak ng MILF

WALO sa sampung nawawalang sundalo ang iniulat na hawak ng mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front’s (MILF) na sangkot sa masaker sa may 13 iba pang sundalo, kahapon (Oktubre 17) sa isang masukal na bahagi ng Basilan province, ayon sa ulat ng military officer kaninang umaga.

Sinabi ni Lt. Col. Randolf Cabangbang, spokesman ng Armed Forces’ Western Mindanao Command (WestMinCom), na ang impormasyon ay nanggaling mula sa government’s ceasefire team sa pakikipagkoordinasyon sa Coordinating Committee of the Cessation of Hostility (CCCH).

“The information is not clear yet as to their condition, but the reports disclosed that the six soldiers who were among those reported missing are in the custody of the MILF group which they encountered,” pahayag ni Cabangbang.

“We cannot ascertain yet as to the fate of the four others,” dagda pa nito, at sinabi na ang CCCH ay nakiki-pagkoordinayon para mabawi ang mga sundalo na sinasabing nasa kostudiya ng MILF.

Sinabi pa ni Cabangbang na mahigit sa 12 pang sundalo ang sugatan sa halos 11-oras na bakbakan sa isang bisinidad sa  Barangay Bakisung, Albarka town kahapon. Nakaratay na sa isang military hospital sa Zamboanga City ang mga sugatang sundalo.

Sa ulat na military, tinutugis ng mga biktima ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa lugar nang atakehin sila ng mga bandido na pinalakas pa ng isa pang grupo ng MILF fighter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply