600 pampasaherong bus may special permit ngayong Undas

AABOT sa 600 pampasaherong bus ang nag-apply ng special permits para makabiyahe sa iba’t ibang probinsya ngayong Undas.

Nabatid kay Lilia Ocampo, office-in-charge ng technical evaluation division ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, (LTFRB) masusing susuriin muna ng ahensiya at Land Transportation Office ang road worthiness ng mga bus unit bago pagkalooban ng special permit.

Kasabay nito, lalagyan na rin ng LTFRB ng fare guide ang lahat ng bus unit na bibiyahe sa iba’t ibang probinsya at ito ay upang mabatid ng mga pasahero kung overcharging ang mga bus company.

Nabatid na hanggang ngayong araw na lamang ang aplikasyon ng special permit para sa mga bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply