6K kalansay susunugin sa Bagbag cemetery

MAHIGIT 6,000 unclaimed skeletal remains o kalansay na nakalibing sa Bagbag cemetery ang nakatakdang sunugin sa Novaliches, Quezon City.

Ito ang sinabi ni Teogenes Biglang-awa, OIC ng Bagbag cemetery, kung saan matagal na anila nilang inabisuhan ang pamilya ng mga yumao sa buhay pero hindi na sila nagpakita ng interes para mailipat ang mga kalansay sa apartment type niches.

Sa ngayon, 10,800 labi ang nailipat na nila sa apartment type niches, habang 8,500 ang hindi pa nagagalaw sa pinaglibingang nitso ng mga ito.

Mayroong 7,000 buto naman ang naapektuhan matapos gibain ang mga nitso nito sa ipinatayong apartment type niches sa paligid ng nasabing sementeryo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply