64 menor-de-edad trabahador sa minahan sa T’boli

NATUKLASAN ng Department of Labor and Employment (Dole) na umaabot sa 64 menor-de-edad na may gulang na 15 pababa ang nagtatrabaho sa minahan sa Barangay Kematu, T’boli, South Cotabato.

Ayon kay Ruby Carrasco ng Dole-South Cotabato, ang mga batang ito ay nagtatrabaho bilang mga abantero, packers at taga-hakot sa mga small scale mining projects ng naturang barangay.

Ilang kabataan din ang nagtatrabaho sa mga banlas operations na dineklarang iligal ng pamahalaang panlalawigan dahil lubha itong mapanganib.

Dagdag pa ni Carrasco nagsasagawa na sila ng profiling ng mga batang mangagawa sa minahan.

Gagamitin umano itong basehan para mabigyan ng tulong ang mga kabataan at kanilang mga magulang.

Samantala, inihayag naman ni Dole 12 Assistant Regional Director Joel Gonzales na hinahanda na ng kanilang tanggapan ang mga ibibigay na ayuda sa naturang barangay tulad ng tulong sa pag-aaral ng mga batang manggagawa upang maalis sila sa minahan.

Bibigyan din ng tulong pangkabuhayan ang mga magulang upang di na nila uutusan ang mga anak na magtrabaho sa minahan na mapanganib sa kanilang kalusugan at pangangatawan pati na sa kanilang kinabukasan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply