67 Tsino idineport ng BI

ANIMNAPU’T PITO na mga Tsino na walang kaukulang papeles na mamalagi sa bansa ang idineport ng Bureau of Immigration na pinamumunuan ni Commissioner Ricardo David Jr.

Lulan ang mga ito sa isang chartered flight patungong Beijing.

Ayon kay David ang mga naturang Tsino ay sangkot sa isang sindakato sa telecommunications, Internet and credit card fraud.

“They were deported for being undocumented aliens, which stemmed from the cancellation of their passports by the Chinese government,” dagdag pa ni David.

Nahuli ang mga ito noong ika-28 ng Setyembre sa kanilang mga safe houses sa San Juan at Mandaluyong. Sumailalim ng deportation proceedings ang mga ito at napagtibay noong ika -30 ng Setyembre.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply