674 kababaihan huli sa droga ngayong 2011– PDEA

MULA Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ay umabot na sa 674 na kababaihan na sangkot sa iligal na droga ang nahuhuli ng Philippine Drug Enforcement Agency sa tulong ng iba’t ibang law enforcement units

Ayon kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez, Jr., 13 porsiyento ng kabuuang bilang na 5,062 ay nahuli sa pamamagitan ng search warrant at buy-bust operations.

Nitong ika-27 ng Setyembre lamang ay tatlong kababaihan, kabilang dito ang mag-ina kasama ang kanilang supplier, ang nadakip sa Iligan City.

Ang mga suspek ay kinilala na sina Lucita Alperito, 56, biyuda at anak na si Jennifer Alperito, 36, na kapwa nadakip sa buy-bust operation ng PDEA Region 10 sa Purok 3, Saray, Iligan City habang nagbebenta ng shabu sa poseur-buyer. Nakuha rin sa kanila ang pito pang plastic sachet ng shabu.

Sa kasunod na follow up operation ay nadakip naman si Macadato, 27, taga-Bacayo Mercy Celdran, Iligan City at sinasabing supplier ng mag-inang Alperito, habang nagde-deliver ng dalawang malalaking sachet ng shabu sa PDEA agents.

Nadakip din ang Kenyan national na si Ashia Atieno Ogotu, 25, noong ika-29 ng Setyembre sa Mactan International Airport sa Lapu-lapu City, Cebu habang dala-dala ang may tatlong kilo ng shabu galing Doha, Qatar. Si Ogotu ay hinihinalang miyembro ng African Drug Syndicate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply