685 pasahero, stranded sa Calapan

685 ng pasahero, stranded sa Calapan

UMABOT na sa 685 pasahero ang stranded sa pier ng Calapan City sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon sa ulat ng DZBB, mahaba na rin umano ang pila ng mga sasakyan na dapat sana ay sasakay sa RORO vessel papalabas ng naturang lalawigan.

Hanggang sa ngayon ay hindi parin ramdam sa naturang lugar ang bagyong Ramon. Sa katunayan ay pasulpot-sulpot na sumisikat si haring araw at walang bugso ng hangin na nanaramdaman sa lugar.

Nakataas parin ang signal no. 1 sa lalawigan ng Oriental Mindoro base sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng PAGASA.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply