7 bahay sa Mindoro natabunan ng landslide

PITONG bahay ang nailibing matapos maganap ang landslide sa Barangay Water sa Baco, Oriental Mindoro dahil sa pananalasa ng bagyong Ramon.

Kinumpirma mismo ni Baco Mayor Graciano Delachica na may ilang residenteng nasaktan sa insidente pero tiniyak na ganoon kalubha.

Sinabi rin ni Delachica, 12 barangay ang nalubog sa baha na ang tubig ay umabot na lagpas-tao dahil sa malakas na buhos ng ulan at hangin kaninang alas-12:00 ng hatingggabi hanggang ala-1:00 ng madaling-araw.

Samantala, sa bayan ng Bulalacao, inihayag ni Mayor Ernilo Villas, na humupa na ang baha at nagsasagawa na lang ng clearing operations sa mga lugar na nagka-landslide.

Sa kasalukuyan, binabaha rin 13 barangay sa Calapan City habang walong barangay naman ang binaha rin sa bayan ng Naujan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply