7 na patay sa bagyong ‘Ramon’

UMAKYAT na sa pito ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng ng bagyong “Ramon.”

Batay sa pahayag ngayong umaga ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos, umakyat na sa pito ang kabuuang bilang ng namamatay habang tatlo ang sugatan at dalawa ang nawawala.

Sa impormasyon ni Ramos, bukod sa limang unang iniulat na namatay ay may dalawa pang nadagdag na sa lalawigan ng Cebu, isa rito umano ang nakuryente samantalang ang isa naman ay nahulog sa burol.

Kinumpirma rin ng kalihim na natagpuan na ang 14 na mga mangingisda na unang naiulat na nawawala.

Samantala, nanatili pa rin umanong stranded ang may 9,856 mga pasahero sa mga pangunahing daungan sa Visayas at Mindanao.

Maliban dito, hindi pa rin umano pinapayagan ng mga awtoridad na makabiyahe ang may 240 mga trucks, 50 bus, 361 rolling cargoes at 105 na mga vessels.

Muli ring pinaalalahanan ni Ramos ang mga mangingisda na iwasan muna ang pumalaot dahil sa inaasahang malalakas na alon sa karagatan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply