Paslit nasagasaan ng pick-up, pisak

PATAY ang isang 7-taong gulang na batang babae nang masagasaan ito ng isang pick-up sa Sitio Pinamantawan, Brgy. Mianay, Ivisan, lalawigan ng Capiz.

Ang biktima ang kinilalang si Annabelle Obierna at idineklara itong dead-on-arrival nang dalhin ito sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Isang Nissan Frontier ang nakasagasa sa bata na minamaneho ng isang retiradong empleydo ng Bureau of Jail Management and Penology na nakilalang si Nestor Apsay, 64.

Kusang loob namang sumurender si Apsay kasama ang nakasagasang sasakyan sa Ivisan Police Station.

Nakikipag-areglo naman ito sa pamilya ng menor de edad na biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply