7 WBC international title fights gaganapin sa Puerto Princesa

NGAYON lamang mangyayari sa history ng boxing na pitong World Boxing Council (WBC) international boxing championship fights ang magaganap sa isang gabi.

Si Mayor Edward Hagedorn ng Puerto Princesa ang tatayong host ng prestigious boxing event kaugnay sa kanyang kampanya upang maisama ang Puerto Princesa Underground River sa New 7 Wonders of Nature.

Kakaiba ang boxing event na ito, katulad ng ating underground river na may pinakamahabang navigable under river in the world,” ani Hagedorn.

Gaganapin ang boxing event sa Oktubre 29 sa City Coliseum ng Puerto Princesa.

Ang mga maghaharap ay sina Dado Cabintoy at Hiroki ng Japan para sa vacant WBC International Bantamweight Championship; Renan Tronco ng Puerto Princesa at Sirisak Sitjarern ng Thailand para sa WBC Light Flyweight; Chris Paulino ng Romblon at Danai Meendang ng Bangkok, Thailand para sa WBC Youth Flyweight Championship; Gabriel Altarejos ng Paranaque City at Gawna Sorsirisak ng Bangkok para sa WBC Youth Super Flyweight Championship; Vergel Nebran ng Pangasinan at Petchunan Sithpandeang ng Thailand para sa WBC Youth Bantamweight Championship; Jaderes Padua ng Albay at Manopnoi Singmamasak ng Thailand para sa WBC Youth Super Bantamweight Championship; at Joe Maxian at Themsamutar Duanay-Mukdahan para sa WBC Youth Super Featherweight Championship. Liberty Icao

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply