77% ng operasyon ng PAL balik-normal na

NAGBABALIK na ngayon sa normal ang halos 77 porsyentong operasyon ng Philippine Airlines.

Ayon kay Cielo Villaluna, spokesperson ng PAL  magandang percentage ito kumpara noong nakalipas na Miyerkules (Setyembre 28) hanggang Biyernes (Setyembre 30).

Umaasa ang pamunuan ng PAL na magiging fully operational na sila sa susunod na apat na linggo.

Dahil dito, tuloy-tuloy na umano ang gagawing pagpapatupad ng outsourcing ng PAL.

Ayon sa presidente at COO ng PAL na si Jaime Bautista, unti-unti nang nanunumbalik sa normal ang operasyon sa tulong ng service providers at mga volunteer na nagmamahal sa airline.

Sa katunayan, aniya ay lumilipad na ang flag carrier ng bansa sa lahat ng major international at domestic destinations kagaya sa Japan, Estados Unidos, Korea at maging ang domestic flights patungong Davao at Cebu.

Samantala, ayon kay Bautista, hindi makatarungan para sa mga volunteer at service providers na sumiguro sa paglipad ng PAL sa loob ng ilang araw na malagay sila sa panganib at harassment kung muling ibabalik ang mga tinanggal na manggagawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply