8-anyos anak parausan ng manyak na tatay

PINAGHAHANAP na ng mga pulis ang isang ama matapos gawing parausan ang anak na 8-anyos na babae sa Navotas.

Kinilala ang suspek na si Mang Ernesto, 30, ng Daanghari.

Nabatid na mula Hulyo 2011, hanggang Oktubre 2011 ay tatlong beses na hinalay ng suspek ang anak sa tuwing wala ang ina ng bata.

Napansin ng ina ng bata na natatakot ang anak sa tuwing makakakita ng nakahubad na lalaki na naging dahilan upang tanungin ito.

Nang malaman ng ina ang ginagawa sa anak ay agad na sinamahan sa presinto kaninang umaga ang bata upang ireklamo ang suspek.

Hindi na inabutan ng mga pulis ang suspek sa kanilang bahay nang makatunog na inireklamo siya ng kanyang mag-ina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply