8-anyos na lalaki patay sa sunog sa Cainta, Rizal

PATAY ang isang 8-anyos na lalaki sa sunog na tumupok sa isang bahay sa Brookside Hills Subdivision sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Sinabi ni Barangay Captain Felipe Sauro na ayon sa lola ng bata, biglang may umusok sa kanilang bubong kaya kinuha ang isang apo at itinakbo palabas.

Naiwan naman ang isa pang apo na sa kalituhan ay tumakbo sa kabilang kwarto.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply