Pamilya minasaker sa Laguna

MATAGAL na alitan ang itinuturong motibo ng pagpaslang sa isang magsasaka, asawa nito at tatlonng anak sa San Pablo City, Laguna bago maghatinggabi ng Huwebes (Oktubre 12).

Ayon kay Laguna police chief Senior Superintendent Gilbert Cruz sa panayam sa dzBB, kaagad na naaresto ang suspek na si Ernie Tambong, 19, magsasaka, makaraan ang insidente.

“Old grudge ito. Ang suspect ang pinagbibintanagang may kagagawan sa pagtaga at pagpatay sa kabayo ng mga napatay. Laging naungkat ‘yun pag nag-iinom at naglalasing,” ayon kay Cruz.

Samantala, nakaligtas naman ang 8-anyos na anak ng pinatay nang nagawang gumapang palabas ng bahay at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahaybandang alas-11:30 ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Bai Rendon, magsasaka; asawa nitong si Maricel; at ang mga anak na sina Margie, 3; JM, 7; at ang 5-anyos na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Mahaharap sa kasong multiple murder si Tambong.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply