8 NPA, sundalo utas sa bakbakan sa Abra

WALONG hinihinalang miyembro ng New People’s Army, kabilang ang dalawang babae at isang sundalo ang namatay sa engkwentro sa Tineg, Abra, kanina.

Sa ulat ng Army, nasa 20 rebelde ang nakasagupa ng mga tauhan ng 41st Infantry Battalion sa Barangay Caganayan sa naturang bayan.

Nasa combat patrol operations ang mga sundalo nang matiyempuhan ang mga rebelde.

Nagresulta ito sa pagkalagas ng walong rebelde at isang sundalo kasabay ng pagkakasamsam ng walong armas ng mga ito.

Samantala, sinalakay din ng mga hinihinalang rebelde ang Mt. Moriah Camp at New Faith Children’s Home sa Sitio Pal-ing, Barangay Patpat sa Malaybalay City, Bukidnon.

Kabilang sa mga tumutuloy sa naturang lugar ang 13 dayuhan na tiniyak namang nasa maayos na kalagayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply