8 taong pagkakakulong sa mag-asawang human trafficker

WALONG taong pagkabilanggo ang iginawad na hatol laban sa mag-asawang human trafficker na unang inireklamo ng tatlong Pilipina.

Bukod sa parusang pagkabilanggo pinagmumulta ng $10,000 ang mag-asawa  na napatunayang nagkasala sa kasong human trafficking.

Sinabi ni Ambassador Eduardo Malaya na napatunayan ng Jalan Duta Sessions Court 14 na guilty ang Malaysian National na si Kwong Tuck Choya at Pilipina nitong asawa na si Nancy sa pagpupuslit sa tatlong Pilipina papasok ng kanilang bansa.

Batay sa reklamo ng tatlong Pilipina na tinawag na lamang na Dynalyn, 23, Rhea, 23, at Sarah, 24, ni-recruit at ipinuslit sila ng mag – asawa palabas ng Pilipinas noong 2009 subalit sa halip na ang pangakong trabaho ang ibinigay ay isinabak sila sa prostitusyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply