82 patay sa magkasunod na bagyo

UMAKYAT na sa 82 ang patay sa pananalasa ng mga bagyong “Pedring” at “Quiel.”

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 71 ang nasawi sa bagyong “Pedring” habang 11 naman sa bagyong “Quiel.”

Nasa 25 naman ang nawawala habang 66 ang sugatan sa pananalasa ni “Pedring” habang isa ang nawawala at 12 ang sugatan kay “Quiel.”

Umabot naman sa 635,405 pamilya o 2,957,613 katao sa 308 na bayan at 42 lungsod sa 35 lalawigan ang apektado sa pananalasa ng bagyong “Pedring” habang nakaapekto sa 205,058 pamilya o 1,015,069 katao sa 117 bayan at siyam na lungsod sa 17 lalawigan ang bagyong “Quiel.”

Naitala sa kabuuang P9,551,972,928.81 ang halaga ng pananalasa ng dalawang bagyo. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply