9 crew ng lumubog na cargo vessel nailigtas

LALO pang hinigpitan ng Philippine Coast guard (PCG) ang seguridad sa mga pantalan matapos na lumubog ang isang barko kagabi (Oktubre 28) sa karagatang bahagi ng Calapan, Oriental Mindoro.

Kinumpirma naman ni PCG Lt. Commandant Algier Ricafrente na ligtas na ang siyam na tirupulante ng “MV Arayat.”

Ayon naman kay Capt. Leo Panopio, deputy district commander ng PCG-Batangas, nagdeklara ng abandon ship  ang mga crew ng barko nang magsimulang pasukin ng tubig ang barko habang nasa bahagi ng Silunay Island sa Calapan, Oriental Mindoro.

May kargang tone-toneladang asin ang naysaying cargo vessel.

Samantala, iniimbestigahan pa ng coast gurad ang sanhi ng pagpasok ng tubig sa nasabing barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply