9 kabataan timbog habang nagsasagawa ng hazing

ARESTADO ang siyam na kabataan habang nagsasagawa ng hazing sa lugar na tinaguriang Little Baguio sa Barangay Malibili, Roxas City.

Kasama sa mga naaresto ang anim na babae at tatlong lalaki na pawang menor-de-edad at nag-aaral sa iba’t-ibang national high school sa lalawigan ng Capiz.

Kinilala ang mga ito na sina alyas Darlyn, 14; Charlie, 16; Rosemae, Bea, Maricar at Kyle pawang 17-anyos; Jona Vire, 19; Ian Sombilon, 20; at Eugene Bace, 22.

Ayon kay Barangay Kapitan Sulpicio Taburnal na 23 ang nakatakas kasama na ang sinasabing lider ng Alpha Kappa Rho Fraternity (AKRHO) matapos makita ang presensiya ng mga barangay officials at barangay tanod.

Dinala ng itinuturong lider ang paddle na ginamit ng grupo sa hazing para walang magamit na ebidensiya laban sa kanila.

Napag-alaman kay Taburnal na tatlong buwan ang ginawang pagmamatyag ng mga tanod sa naturang grupo bago isinagawa ang paghuli sa mga ito.

Samantala kaagad ding na-turnover sa mga pulis at sa kanilang mga magulang ang nasabing mga kabataan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply