9 sugatan sa magkasunod na pagsabog sa Zambo

SIYAM katao ang sugatan sa dalawang magkasunod na pagsabog sa Zamboanga City, kanina.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., lima katao ang nasugatan sa unang pagsabog sa loob ng San Roque Cockpit Area sa Barangay San Roque.

Makalipas ang ilang minuto, binulabog din ng pagsabog ang room 2 ng Red Palm Pension House sa Barangay Guiwan sa nabanggit ding lungsod.

Apat katao ang nasugatan sa ikalawag pagsabog at nagdulot din ng pinsala sa establisiyimento.

Inaalam pa ng awtoridad kung magkaugnay ang dalawang pagsabog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply