94-M tao sa Pinas, assets, di liability – Sotto

HINDI dapat ikaalarma ng gobyerno ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas kahit na maging ika-12 ang bansa sa may pinakamaraming populasyon sa buong mundo.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III hinggil sa ulat ng United Nations Population Fund (UNFPA) na ika-12 na ang Pilipinas sa may pinakamaraming populasyon sa buong mundo.

“Hindi (dapat ikabahala), dapat ikatuwa pa!” pagdidiin ni Sotto.

Ipinaliwanag pa ng senador na kahit umaabot na sa 95 milyon ang populasyon ng bansa, hindi naman maituturing na mala-sardinas na ang bansa dahil sa dami ng tao lalo at napakalaki ng land area ng Pilipinas.

“313 persons per square kilometer lang tayo,”giit pa ni Sotto.

Idinagdag pa nito na hindi dapat maging ‘liability’ ng gobyerno ang paglobo ng populasyon ng bansa, bagkus ay dapat pa itong maging “asset”.

“Ang ating populasyon ang siyang lakas natin upang patunayan ang ating karapatan sa mundo,”diin ng senador na siyang pangunahing kumokontra sa Reproductive Health(RH) sa Senado.

Nauna rito, nanindigan si Sen. Pia Cayetano, chair ng senate committee on health, na hindi  niya gagamitin ang nasabing datos sa pagpapaliwanag sa mga senador na kontra sa RH bill dahil tiyak na magiging limitado lamang ang pagkakaintindi nila sa nasabing problema.

Sa ulat ng UNFPA, nasa pang-12 puwesto ang Pilipinas na may populasyon na 94,013,200.

Nangunguna sa listahan ang China na may populasyon na 1.3 bilyon kasunod ang India na may 1.2 bilyon at pangatlo ang Estados Unidos na may 311.7 milyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply