A trailblazing event ang pagmi-merge ng news at entertainment

PERSONAL na pinanood namin ang King of Talk na si Boy Abunda ng live sa first appearance niya as one of the anchors ng late-night evening news na “Bandila” ng ABS-CBN. And for his first showbiz news, ini-report ni Kuya Boy ang interview kay Kris regarding her stand sa kontrobersyal na RH Bill at ang pagi-implement ng divorce sa Pilipinas.

Next portion ni Kuya Boy ay ang live interview niya sa studio controversial young actress/teenage mother na si Andi Eigenmann. This is also the very first time na lumabas ng live si Andi for an interview and talked about her pregnancy.

And then the closing kung saan binitiwan ni Kuya Boy ang linya niya which goes something like this, ‘isang gabi na bahagi na ng kasaysayan.’ After the show, sinabi sa amin ni Kuya Boy na hindi niya akalain na tapos na pala ang Bandila.

Tinanong namin si Kuya Boy kung ano ang feeling na bahagi na siya ng kasaysayan ng Pilipinas.

“Ah, natutuwa ako, hahaha! No, it’s something new, it’s exciting. Medyo matapang ang move na ‘to dahil ah, months ago kami ay nagsanib-pwersa, ang entertainment at saka ang news. Ah, it’s trailblazing. Is it going to be easy, smooth? It remains to be seen. But I’m excited, we are excited,” sagot ni Kuya Boy.

Sabi pa sa amin ni Kuya Boy, “Ang konsepto kasi na gusto ko’ng ibenta, ang balita na may kinalaman sa kultura sa showbiz at saka sa lifestyle ay balitang may kinalaman sa tao, ay pantao at makatao. Na dapat ay hindi nire-relegate sa gilid. “Kasi itong mga balitang ito ay napaka-influential sa manonood.”

Sa totoo lang, simula nu’ng pumutok ang balita na papasok si Kuya boy sa Bandila, may mga nag-preempt na sa ibang network na gayahin ang konsepto at unahan sila.

Pero simple lang ang reaksyon ni Kuya Boy d’yan, “I wouldn’t also blame that. That’s competition. I mean, when it’s a good concept, go.”

‘Yun na.

-ooOoo-

HAPING-HAPPY ang “Reputasyon” lead star na su Cristine Reyes sa napakalaking success ng latest movie niya with Derek Ramsay and Anne Curtis, ang No Other Woman. As of  of presstime, naka-P135M na ito sa takilya.

“Hindi ko ine-expect na, alam mo ‘yun, ako mismo, naghahanap ako ng sinehan para manood ng ‘No Other Woman.’ Ginamit na lang namin ang powers namin, kumontak kami sa ABS. Nagpa-reserve kami ng seats sa Rockwell. So, nagawan naman nila ng paraan,” kwento ni Cristine sa The Buzz last Sunday.

Happy rin syempre ang real-life boyfriend at co-star ni Cristine sa afternoon teleserye na Reputasyon na si Rayver Cruz. And last September 14, nag-celebrate nga sila ng kanilang first anniversary as lovers sa pamamagitan ng panonood ng sine at dinner sa labas.

“Hindi ako makapaniwala na naka-one year na kami. Parang kahapon lang ang gulu-gulo. Saka,’ yun, happy ako siyempre na umabot kami sa isang taon,” lahad ni Cristine.

Everything is going very fine for Cristine. Kasabay sa pamamayagpag sa takilya ng No Other Woman, isa rin sa tinututukang serye sa hapon ang Reputasyon na patindi nang patindi ang tinatakbo ng kwento bawat episode with a stellar cast headed by Aiko Melendez, Jason Abalos, Jaclyn Jose, Lito Pimentel and Direk Laurice Guillen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply