Abanilla papalit kay Pumaren sa Green Archers

KASUNOD ng pagbibitiw ni Dindo Pumaren bilang head coach ng nabigong La Salle Green Archers sa katatapos na UAAP Basketball Season 74, si Gelacio “Gee” Abanilla ang napisil na kapalit nito ayon sa mapagkakatiwalaang source ng unibersidad.

Tuluyang namaalam si Pumaren kasunod ng nakapanlulumong 5-9 win-loss record ng Green Archers na kabilang ang nag-iisang panalo sa second round ng katatapos na liga.

Si Abanilla na dating player ng Green Archers sa ilalim ni coach Derrick Pumaren noong ‘80s ay de-kalidad na point guard ng back-to-back champion ng liga noong 1989 at 1990.

Sa kasalukuyan si Abanilla ay assistant ni coach Renato “Ato” Agustin ng Petron Blaze Boosters sa PBA na nakakopo ng korona sa Governors Cup. Isa pang dating Lassalite ang inaasahang tatayong adviser ng basketball team sa katauhan ni Joseph “Jong” Uichico na kasalukuyan ding co-coach ni Siot Tanquincen sa popular na team na Ginebra Gin Kings. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply