Abdulsalam posibleng patay na – Westmincom

INAALAM pa ng Western Mindanao Command (Wesmincom) ang totoong kalagayan ng itinuturong lider ng kidnap-for-ransom group sa Zamboanga Sibugay na si Waning Abdulsalam.

Sa panayam kay Wesmincom spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang, inihayag nito na kanila pang bineberipika ang impormasyon na nagtamo ng malubhang sugat si Abdulsalam at may mga impormasyon din silang nakukuha na patay na ito.

Sa ngayon, patuloy ang pagtugis ng Philippine Army sa mga nakatakas na miyembro ng lawless group kasama ang Philippine Navy at Air Force pati na rin ang PNP.

Ani Cabangbang, magpapatuloy ang paghalughog sa mga lugar na maaaring pagtaguan ng mga wanted ngunit ititigil na ang airstrike matapos makubkob ang kampo ng mga ito sa Payao, Zamboanga Sibugay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply