Aces, Clickers maghahanap ng unang panalo

PAREHONG nakabaon sa ilalim ng team standings ang Alaska Aces at Shopinas Clickers kaya naman pipilitin nilang manalo sa magkahiwalay na laro sa Miyerkules (Nobyembre 2) sa 2011-12 PBA Philippine Cup elims.

Parehong bokya sa limang laro ang Aces at Clickers.

Sa unang sultada hahanapin ng Alaska ang unang panalo kontra paumentong Barako Bull Energy sa alas-4:15 ng hapon habang sa alas-6:30 ng gabi naman maghuhukay ng panalo ang Clickers laban sa B-Meg Llmados na gaganapin pareho sa Smart Araneta Coliseum.

Pihadong dadaan sa butas ng karayom ang Aces dahil nahaharap sila sa koponang nanuwag ng apat na sunod na panalo habang kahit hilahod sa limang salang ang Shopinas ay babalikat sila sa Llamados dahil galing naman ito sa talo.

Kasalo ng Energy sa second to third spot ang Talk ‘N Text na may 4-1 win-loss record habang nasa pang-walong puwesto ang B-Meg na may 2-4 karta.

Samantala, nasolo ng Rain or Shine Elasto Painters ang liderato matapos pundihin ang Meralco Bolts kagabi (Oktubre 30), 139-95.

Tangan ng Elasto Painters ang 5-1 karta habang nalaglag sa pang-limang puwesto ang Bolts bitbit ang 4-3 panalo-talo baraha.

Samantala, punong-puno ng enerhiya si Gary “Mr. Pure Energy” David dahil nangalabaw ito ng 42 puntos upang panalunin ang Powerade Tigers laban sa minamalas na Petron Blaze Boosters, 108-94.

Sagpang ng Tigers ang 3-3 record kung saan ay kapareho nila ang Boosters na galing sa tatlong sunod na talo. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply