Actor na may putok sa kili-kili tinatakbuhan ng dancers

SINO itong actor na iniiwasan daw makasama ng mga dancer sa dressing room dahil may putok daw sa kili-kili at mabahong paa?

Sa tuwing may dance number raw ang actor at pawis na pawis ito na tutungo kaagad sa dressing room para magpahid ng pawis, naglalabasan naman daw agad ang mga tao dahil amoy na amoy raw ang putok nito sa kili-kili.

Clue; Hindi kaya ito ang isa sa mga dahilan kaya parang balewala sa singer/girlfriend nito nang mag-break sila?

Ma-take kaya naman ngayon ng bagong girl ng actor na ito ang putok at baho nito sa paa?

***

ITINANGGI ni Barbie Forteza may sapawan nangyayari sa kanila ni Joyce Ching sa “Ikaw Lang Ang Mamahalin” dahil magkakasama at barkada sila sa Tween Hearts.

“Magmula naman po noong magkasama-sama kami sa pangangalaga ng GMA Artist Center ay magkakapatid na ang turingan namin. Kaya nagugulat lang ako kapag sinasabing nagpapatalbugan at nagsasapawan daw kami ni Joyce sa bago naming panghapong drama-rama sa GMA-7, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin,” say ni Barbie.

Samantala, sa ginanap na press launch ng nasabing TV series ay walang kiyemeng inamin nina Barbie at Joyce na crush nila sa totoong buhay ang kani-kanilang ka-partner sa serye na sina
Joshua Dionisio at Kristoffer Martin respectively.

Kaya lang kung gaano ka-vocal sina Barbie at Joyce, pakiyeme naman sina Joshua at Kristoffer sa pag-aming crush din nila sa totoong buhay ang kanilang partners.

Katuwiran ng dalawang bagets ay bata pa raw sila para seryosohin ang pag-ibig.

***

PUSPUSAN ang ginagawang preparasyon ni Senator Bong Revilla para sa movie niyang Panday na entry sa Metro Manila Film Festival sa December.

Gusto ni Bong na maging malinis ang mga special effects ng movie para maganda ang kalalabasan kapag napanood na ito sa big screen.

Kaya naman all-out ang budget na inilaan ng kanyang Imus Production at GMA Films para hindi madismaya ang mga moviegoer oras na mapanood na nila ito sa mga sinehan.

Samantala, kahit anong busy ni Bong, sinisiguro naman nito na may oras at araw siyang ilalaan para mag-taping ng kanyang Sunday show na “Kap’s Amazing Stories” na napanonood sa GMA 7.

Katuwiran ni Senator, may natututunan ang mga televiewer sa mga kwentong ipinalalabas nila sa KAS kaya kahit anong busy ay hindi niya ay never niyang kinaliligtaang mag-taping ng show.

***

IRE-REMAKE ang controversial movie na “Kokak” na pinagbidahan noon ni Rachel Lobangco na gagampanan naman ngayon ni Sarah Labhati ng Starstruck V Ultimate Female Survivor.

Dahil sa kailangan nang simulan ang taping ng Kokak ay tsutsugihin na ang role ni Sarah sa Time of My Life bilang malupit na step-sister ni Kris Bernal.

Kailangan na kasi niyang mag-goodbye sa nasabing TV series para matutukan ang kanyang first lead role sa TV version ng Kokak.

Handa na ba siyang magpakita ng skin? Remember kapag nagta-transform na siya bilang babaeng palaka ay lalantad ang kanyang hubad na katawan.

Anyway, ang TV version ng Kokak ay ididirek ni Ricky Davao dahil nagustuhan daw kaagad nito ang material kahit na kasama siya sa cast ng isa pang series na Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Nasabi nga ni Ricky na baka mag-exit na rin daw siya sa drama series.

Katuwiran niya: “Masarap kasing tawagin kang Direk. Kapag artista lang kasi ako, Sir Ricky lang ang tawag sa akin.

“Saka bago ang artistang ilo-launch. Gusto kong maging part ng magiging success niya balang araw.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply