AFP hindi gumagamit ng poison gas sa air strike

MARIING ipinahayag ngayon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Information Officer Col. Arnulfo Burgos na walang sibilyan na madadamay sa ginagawa nilang pag-atake sa Payao, Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Burgos na malayo sa mga mamamayan ang ginagawa nilang air strike.

Binigyang diin ni Burgos na tinitiyak muna nila ang lugar na pinaniniwalang pinagtataguan ng mga lawless elements bago ito atakehin upang walang sibilyan ang mapapasama sa mga casualty.

Nilinaw pa ni Burgos na wala silang ginamit at hindi gumagamit ng poison gas sa kanilang air strike dahil delikado umano ang kemikal na malanghap ng mga sibliyan.

Ayon kay Burgos, makatutulog na ng mahimbing ang Pangulong Benigno Aquino III dahil sa wala aniyang banta ng distabilisasyon ang mga sundalo sa administrasyon.

Nilinaw ni Burgos na walang nag-uudyok sa hanay ng mga sundalo upang mag-aklas ang mga ito sa liderato ng Pangulong Aquino.

Dahil dito, binigyang diin ni Burgos na walang dahilan upang magsagawa ng loyalty check ang Pangulo sa AFP. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply