AFP patuloy ang pagtugis sa mga bandidong grupo

PATULOY na pinaliliit ng pamahalaan ang mundo ng mga lawless elements na responsable sa mga pag-atake sa Zamboanga, Sibugay sa Basilan.

Sa katunayan, ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na lusubin ang Al-Barka, Basilan na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng ilang bandidong grupo.

“Very clear naman po ang Pangulo in saying that kapag lawless elements ito po ‘yung hahabulin ngunit kailangan po focused ang ating galaw. Ayaw po kasi ng Pangulo ‘yung mayroong mga madadamay pang mga sibilyan,” ayon kay Valte.

At gaya aniya ng inihayag ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, kailangang tapusin na ng AFP ang pagtugis sa mga lawless elements at tiyakin na tamang tao ang kanilang masisilo.

Ayaw namang magkomento ni Usec. Valte sa nakatakdang paglusob ng  mga sundalo sa Al-Barka lalo pa’t sinibak na  ni Lieutenant General Arturo Ortiz, Army commanding general, si Lieutenant Colonel Leo Peña bilang battalion commander.

Sinibak sa puwesto si Peña dahil sinabi nito na regular operation ang kanilang gagawin sa Zamboanga, Sibugay at hindi nito sinabi ang totoong situwasyon sa nasabing lugar.

Samantala, hindi titigil ang pamahalaan na muling ibalik ang kapayapaan sa Zamboang, Sibugay.

“Target natin doon is to restore ‘yung normalcy and ‘yung peace and order dahil kahit po ‘yung provincial government ng Zamboanga Sibugay humingi na po ng saklolo dahil madami nga daw po ‘yung nag-e-engage in robbery, in kidnapping, in extortion. So ito po ‘yung mga lawless elements na gusto din po natin talagang mahuli para kahit paano bumalik po ‘yung sense of normalcy doon sa lugar,” ang pahayag ni Valte. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply