Ai-Ai delas Alas, John Prats ang tindi-tindi kung sira-siraan ni Cristy Fermin

HANEP talaga ang arrive ng ESP powers ni Cristy Fermin. Imagine, ang tindi-tindi ng mga sinulat niyang blind items (but revealing enough for you to know the subjects she’s alluding to… Hahahahahaha!) kina Ai-Ai delas Alas at John Prats na kung wala ka talagang kaalaman sa pagkatao nu’ng dalawa ay talaga namang madadala ka at maniniwala.

In fairness, ‘yung sinulat ni Nganga Queen kay Ai-Ai ay tolerable namang maituturing dahil hindi naman outright offensive ito. Sabi kasi ng undisputed Nganga Queen ng TV5, TNT (as in tago nang tago..Hahahahaha) Queen raw si Lady Ai-Ai kapag dinadalaw ng working press sa kanyang mga tapings o shootings kaya, and she, purportedly, would hide in the privacy of her dressing room and would stay holed up in there until she’d been told that they had already left. Hahahahahaha!

Such fertile kind of imagination I tell you.

Pero ang untakable talaga ay ang sinulat ng plastikada at tupperware na lola tungkol kay John Prats.

Jesus H. Christ! Unbearable talaga ang mga allegations niya and if you know John, you would surely say that it’s nothing but a figment of her highly fertile kind of imagination. Hakhakhak!

Ma-imagine n’yong butt of jokes raw ang gwaping na paparu ni Bianca Manalo the very moment he leaves the dressing room at pinagpapasa-pasahan daw ang damit nito in a highly degrading and offensive manner?

Ang cheap, di ba naman?

Pero heto pa ang karima-rimarim, kung takable raw ang supposedly ay acrid smell that emanates from his armpits, his co-actors are purportedly nauseated with the abominably horrible smell of his feet.

Grabe! Ang tindi-tindi nang paninira ng gurang na ‘to sa, in fairness, ay malinis naman sa katawan ang young actor.

As a matter of fact, even during our UNTV days, we used to have an ambush interview with him and not once did we come to smell something nauseatingly malodorous.

Noon ngang nai-invite pa kami sa mga presscons ng Regal, may mga chanced encounters rin kami sa kanya and never did we come to smell something pungently foul assailing our sensitive nosetrills.

Things like this, you can never hide for it assaults your delicate sense of smell the very moment the person in question comes near you.

Ang putok ay putok, Cristinelli Salazar Fermin, at ‘yan ang totoo!

Hinding-hindi ‘yan maitatago. Kahit bagong paligo pa ang isang tao, that kind of smell lingers just like a pestilence or a plague.

Hahahahahahaha!

Baka naman ibang tao ang naaamoy mo at ibinibintang mo lang du’n sa taong wala namang kamalay-malay sa mga pantasya mo’t ilusyon. Hakhakhak!
Huwag ka na nga palang mag-ilusyong maggi-guest pa sa inyong cheap na showbiz-oriented programs ang Superstar na si Ms. Nora Aunor for she’s been repeatedly told already about those diabolical blind items that you’ve written about her while she was still in the States.

Hahahahahahaha!

Sa totoo lang naman, nasa Pinas pa si Ms. Aunor ay paborito na siyang banat-banatan ng syorak na radio and teevee personality na ‘to.

Buti nga at di vindictive si Ate Guy unlike this aging woman who reeks with plasticity inside and out.

Don’t worry Bubonic, Nora Aunor is not like you who works stealthily and in a very demonic manner as well in dealing with people.

Hahahahahahaha!

Kung tutuusin, after all the untakably evil things you’ve done to her, maaari ka nga niyang i-emote sa higher management na patalsikin sa TV5. After all, poor credit risk ka namang talaga dahil semplang lahat ng shows na hinawakan mo from the senseless Juicy up to Parazzi and Starlets Confessions.

Hahahahahahahahaha!

Ang baduy ay baduy ay baduy! Ayoko ng tsakaaaaaaaaa!

But so far, wala namang ginagawang ganong aksyon ang Superstar.

Ayaw lang daw nitong mag-guest sa “Paparazzi” dahil hindi nga raw niya feel na makaharap ang tupperware na si Fermin.

Hahahahahahaha!

***

Erich Gonzales a different kind of an actress

DATI-RATI, hindi talaga siya gaanong nabibigyan nang pansin sa ABS-CBN.

Occasionally, may mga bit roles na naibibigay sa kanya but those were not juicy and challenging enough to give her the chance to shine.

But the big break came when she was given the opportunity to delineate the lead role in the teevee version of Dina Bonnevie’s “Katorse” and the rest is now history.

From the abysmally depressing roles that were coming her way, she is now considered hot property and is presently essaying the role made popular by the Mexican actress Thalia by way of the top-rating soap “Maria La Del Barrio” that gets aired from Monday thru Friday before TV Patrol.

Sa totoo, habang nagtatagal, lalong dumarami ang nagkakagusto sa soap na ‘to dahil ang ganda talaga ng eksenahan ng mga characters nina Erich at Angel Aquino on cam.

Siyempre pa, feel na feel din nila ang mga maroromantikong eksena nina Erich at Enchong Dee.

***

Talent ng isang malaking network desididong lumipat na pala sa rival network

DESIDIDO na palang lumipat sa kabila (rival network) ang may hitsura naman sana at nag-aaral sa isang de klaseng eskwelahang young actor pero ang tanong, is that a good move on his part?

Sa totoo, okay naman sana ang kanyang lilipatang network but it’s been proven many times already na hindi nagsa-succeed ang mga talents na lumilipat dito from the big network that we are talking about.

At any rate, decided na yatang lumipat ang bagets na aktor.

Ang tanong, magiging kabawasan naman kaya siya sa network na kanyang iiwan?

For one, he’s not that promising as an actor and his looks are far from remarkable.

At any rate, good luck na lang. Sana nga’y maging maganda naman ang outcome nang gagawin niyang paglipat.

***

Okay na raw sina Vice Ganda at Ogie Diaz

KUNG sa presscon ng The Unkabogable Praybeyt Benjamin ay nag-open-up si Vice Ganda na di na siya masaya sa relasyon nila ni Ogie Diaz, ang ma-PR at mabait niyang talent manager, last Sunday sa The Buzz ay buong ningning naman siyang nag-issue ng pronouncements na all is well purportedly between him and his talent manager.

Well, mixed reaction ang working press sa sinabi niyang ‘yun. Baka raw natatakot lang siyang maging nega ang arrive ng kanilang movie ni Derek Ramsay kaya binawi niya ang kanyang pronouncements sa presscon.

Nevertheless, marami sa mga press people na naroroon ang nagsasabing may mga text messages raw si Vice sa kanyang manager to the effect na mabait daw na tao si Ogie pero bilang manager, di raw ito kagalingan, or words to that effect.

Nevertheless, naniniwala naman ang mga taong nakausap naming nasa winning streak daw ang Viva at Star Cinema kaya most probably ay mag-hi-hit din ang The Unkabogable Praybeyt Benjamin tulad ng humahataw sa takilya ngayong “No Other Woman” nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Cristine Reyes.

For one, hot naman kasi sa ngayon si Vice at nakaiintriga ang tandem nila ni Derek Ramsay dahil tunay namang naiiba. Hahahahahahaha!

***

Maraming feedbacks mula sa kampo ni Ate Guy nang maging vocal kami sa pagiging Vilmanian namin

LAST Sunday, nakausap namin sa The Buzz ang forever dyed-in-the-wool Noranian na si George Vail kabristante and he had quite an interesting story to tell.

“Kapatid,” he avers in his heavily accented Visayan tongue, “nakarating na kay Superstar ang sentiments mo.

“And according to her, baka raw di ka lang niya napansin dahil she was so tired by then when you met her at the Hotel Shangrila,” he opines.

At this point, I corrected George’s statement, I never went to Shangrila. It was in Club Filipino that I came to meet again Ate Guy.

Anyway, that’s water under the bridge now and I told William Reyes practically the same thing when I met him at Atty. Persida Acosta’s presscon.

Like I said, I just would like to admire her (Nora) from a distance since I now have come to realize how much I value the wonderful personality of Ate Vi (Santos) to the point that I love everything she stands for and represents in the process.

After giving it a serious thought anyway, there is no more anger or any other negative emotions in my heart but only compassion, understanding and acceptance.

Hindi naman ako kabawasan kay Ate Guy dahil sandamakmak naman ang mga Noranians all over the Philippines and in the world as well na mas may K compared sa akin.

‘Yun lang!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply