Air strike sa Sibugay ‘di para sa MILF– AFP

NILINAW ngayon ng Armed Forces of the Philippines na ang ikinasang air strike sa Zamboanga Sibugay kanina ay laban lamang sa mga tukoy na kalaban ng batas at hindi para sa anumang elemento ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Bago ito, Ipinag-utos ni Army Chief Lt Gen. Arturo Ortiz, na simulan ang hot pursuit laban sa lawless elements na um-ambush at nakapatay sa 19 na sundalo sa Al-Barka, Basilan. noong isang linggo.

Kaninang alas-11:00 ng umaga ay nagsagawa ng airstrike, partikular sa Barangay Lapatan, Payao at Sitio Taip sa  Zamboanga Sibugay, kung saan pinaniniwalaang nagkukuta ang pwersa ni Kumander Juaning Waning Abdulsalam na responsable umano sa mga ambush na naganap.

Pinangunahan ng may 200 tauhan ng PNP at Philippine Army Special Forces ang pagsalakay sa mga lugar na nabanggit upang habulin ang mga rebelde na patuloy na nagdudulot ng karahasan sa nasabing lugar.

Samantala, ayon sa AFP, hindi na nila kailangan pang magpaalam sa MILF dahil may basbs naa ng lokal na pamahalaan ng Sibugay ang pagtugis sa mga lawless element.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply