Airstrike, ground assault vs renegade MILF inilunsad

NAGSAGAWA na ng airstrike at ground assault ang tropa ng militar sa mga pinagkukutaan ng mga renegade at wanted na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Zamboanga-Sibugay.

Binomba ng dalawang OV-10 attack planes ng Philippine Airforce ang bahagi ng Barangay Labatan sa Payao, Zamboanga-Sibugay na pinagtataguan ng mga rebelde na pinamumunuan ng isang Commander Waning Abdusalam.

Kasama si Abdusalam sa arrest warrant laban sa 11 miyembro ng MILF sa kasong murder, frustrated murder at kidnapping.

Sinabi ni Western Mindanao Command Spokesperson Randolph Cabangbang na nakatanggap sila ng ulat na mayroong tatlong wanted na kriminal ang naaresto matapos ang operasyon.

Nilinaw naman ni Cabangbang na ang mga kriminal na sangkot sa kidnapping sa Mindanao kasama si Waning Abdusalam ang target ng mga paglusob at hindi ang buong MILF.

Masyado rin anyang malayo ang pambobomba sa mga residente at nagtalaga na sila ng mga sundalo para masigurong hindi madadamay ang mga sibilyan.

Ipinaliwanag pa ni Cabangbang na ngayon lamang sila nagsagawa ng operasyon dahil ngayon lamang nila natunton ang kuta ng mga kriminal. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply