AK-47 license ni Llamas binawi ng PNP

BINAWI na ng Philippine National Police (PNP) ang lisensiya ng AK-47 at mga baril ni Presidential Political Adviser Ronald Llamas sa gitna ng patuloy na ginagawang imbestigasyon.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Agrimero Cruz Jr. sinampahan na rin ng paglabag sa kasong illegal position of firearms, kasong kriminal, at obstruction of justice sa security escorts ni Llamas na sina Joey Tecson at John Alarcon.

Dahil dito, napasakamay na ng Quezon City Police District ang naturang assualt rifle matapos na i-turnover.

Nabatid na naging kontrobersiyal ang mga baril na narekober kamakailan matapos na masangkot sa aksidente ang bodyguards habang ang kalihim ay nasa ibang bansa.

Para naman kay Llamas, sang-ayon siya sa pag-revoke sa lisensya ng kanyang baril dahil ito ang sentro ng imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply