Akihiro Sato uuwi sa Sao Paulo, Brazil para alagaan ang amang may tumor

UUWI si Akihiro Sato sa bayan na kanyang sinilangan, ang Sao Paolo, Brazil. Emergency ang kanyang pag-uwi dahil may tumor ang kanyang ama. Lately lang niya nalaman ito kaya anytime ay uuwi na siya sa Brazil para alagaan ang may sakit na ama.

Pero, bago umalis si Akihiro, tatapusin na muna niya ang mga commitments niya sa showbiz. Magti-taping na siya ng one season ng bagong travel show sa ANC Channel ng ABS-CBN, ang Trip na Trip, sa Oct. 19 sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Sabi ng aming source, mahal na mahal ni Akihiro ang kanyang ama kaya kalahati ng kinita niya sa pagkapanalo last year ng  Survivor Philippines Celebrity Edition ay ibinigay niya rito para ipa-renovate ang kanilang restaurant.

Sa pag-alis ni Akihiro, hindi agad siya makababalik ng Pilipinas dahil kailangang bantayan niya ang may sakit na ama nang matagal.

000

MULI na namang may bagong project si JC Tiuseco sa GMA-7, ang Kokak, ang soap na balitang ipapalit sa Pahiram ng Isang Ina. Bida si JC rito tulad nang katatapos niyang  Sisid. Balitang kaya nabigyan ng bagong project ang aktor ay dahil sa malaki na ang improvements sa kanyang acting ngayon.

Nagma-mature na raw siya sa pag-arte tulad sa ipinakita niya sa Sisid. Isa kami sa humanga kay JC nang napanood namin siya sa mga final scenes ng soap.

Bunga raw ito sa pag-aalalay ni Direk Ricky Davao sa kanya. Sa totoo, maganda ang partnership ng dalawa dahil nagawa ni Direk Ricky na maging aktor si JC. Kaya naman sa susunod na project ni Ricky sa GMA ay si JC ang isa na namang lead actor ng soap.

Naalala tuloy namin noon na si Direk Lino Brocka na umalalay din nang husto noon sa nagsisimula pa lang na si Christopher de Leon. Bida agad kasi ang ex ni Nora Aunor sa award winning movie na Tinimbang Ka Ngunit Kulang kung saan tampok si Lolita Rodriguez.

000

HANGGANG ngayon pala ay hindi man lang crush ni Julie Anne San Jose si Elmo Magalona, pero inamin niyang close friend na sila nito. Ang crush kasi ng bagets na young actress ay ang mga hunk actors na sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at Dennis Trillo.

Kaya habang iniinterview namin si Julie Anne na nakaharap si Elmo ay panay ang pagpapakita ng bagets ng kanyang nagsisimula nang bumukol na muscle sa braso.

Bago kasi namin na interview si Julie Anne, si Elmo muna ang nakausap namin na nagkwento sa mga reporters sa press launch ng Daldalita soap ng GMA 7 kung saan starring role si Jillian Ward, na siya’y nagsisimula nang mag-gym.

Bale pinaka-durable love team ngayon ng mga kabataan ng GMA 7 sina Julie Anne at Elmo. Marami silang fans na talagang nakikipaglaban para lang sa kanilang idolo.

Kaya naman bukod sa soap na maglove team sila, may ginagawa na silang movie ngayon sa GMA Films na silang dalawa ang bida.

Sa interview kay Julie Anne, nasabi niyang di pa siya pinapayagan ng mother niyang ligawan. Wala pa raw kasi siyang 18 years old kaya dapat unahin muna ang kanyang career bago ang pakikipagrelasyon.

Nang tinanong si Julie Anne kung may pag-asa ba si Elmo kung manliligaw ang binatil -yo, 50-50 raw at di pa talaga niya alam! Dahil ba di niya crush ang binata?

000

Ogie Alcasid first time na nagkaroon ng soap opera na pangunahing actor

TUWANG-TUWA si Ogie Alcasid sa pagkapili sa kanya sa soap na Daldalita bilang isa sa mga bida. Bale team-up ang soap nina Ogie at Jillian Ward, ang lalabas na anak nitong isisilang na hirap magsalita. Unang salita ay ang naririnig sa bibe, wekwekwek.

Isang veterinarian si Ogie sa soap kaya alaga niya ay maraming hayop, dahilan para magkaganon si Jillian. Para makapagsalita ito nang tama, may pinainom namang potion na ang epekto ay somobra naman ang kadaldalan ng bata.

Ani Ogie: “Dating soap kong nagampanan ay panahon pa ni Iza (Seguerra). Support lang ako noon. Pero, ngayon ay masaya ako at isa ako sa lead stars. Pasalamat ako sa pagtitiwa sa akin ng GMA 7.”

Panay trabaho ngayon si Ogie. Bukod sa Daldalita, may Party Pilipinas, Protege at Bubble Gang pa siya. Pinaka-memorable show ni Ogie ang BG na ngayo’y nagsi-celebrate na ng 16th anniversary.

Dahil dito, dalawang special shows ang mapanonood this week at sa susunod na ling- go.

Ang nasabing anniversary ay pinamagatang Bubble Gang 4×4 dahil sisiguraduhin nilang 4×4 na kasiyahan at walang patid na halakhakan ang handog ng Bubble Gang barkada na sina Ogie Alcasid, Michael V, Rufa Mae Quinto, Antonio Aquitania, Maureen Larrazabal, Boy 2 Quizon, Diego, Moymoy Palaboy, Myka Flores, kasama ang Bubblets na sina Jackie Rice, Gwen Zamora, Ellen Adarna at Sam Pinto.

Makikisaya rin sa Bubble Gang 2-week anniversary special ang mga Kapuso News personalities na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Kapuso Stars na sina Heart Evangelista and Dennis Trillo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply