‘Ala eh’ signage planong ilagay sa Taal

NILINAW ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Calabarzon na ang paboritong salitang “Ala Eh” at hindi Batangas ang planong ilagay sa Taal Volcano.

Gayunman, sinabi ni DENR Calabarzon Regional Executive Director Nilo Tamoria na pinag-aaralan pa ng Protected Area Management Board (PAMB) ng Taal Volcano Protected Landscape ang usapin hinggil sa paglalagay ng naturang signage sa naturang bulkan.

Ang pahayag ay ginawa ni Tamoria na siya ring PAMB chairman hinggil sa umiinit na debate tungkol sa planong paglalagay ng signage sa Taal Volcano.

“The proposal is to use fish cages, and not concrete materials, to form the words ‘Ala eh!’ on the lake waters near the island, and which will be visible from the Tagaytay ridge,” pahayag ni Tamoria.

Anya hindi pa napapag-usapan ng PAMB en banc ang isyu.

Sinabi ni  Tamoria, ang proyeko ay panukala ng  Taal Lake Aquaculture Alliance nang makipagpulong kamakailan kay Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Hindi anya pinamamadali ni Gov Recto ang bagay na ito. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply